Loonie feat. Ron Henley – Ganid (Lyrics | Video 2019)

Lyrics “Ganid” – Loonie feat. Ron Henley

Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya..②

Dami-dami Dami-dami mo namang mga taga hanga
Talented ka pala
Hindi lang sa battle, hanep din sa kanta
May manager ka na ba
Grabe na talaga, dapat nga may sarili ka ng
Billboard sa edsa
Mga guesting kay vice ganda
Wag ka mag aalala
Ako mag pa-paikot ng pera
Taga ipon ng benta
Para di ka makalimot ako ang taga bilog ng petsa
Maraming hahangaan
Taga higop ng pwersa
Lagare bakal
Taga ikot ng fiesta
Taga bayad ng payola
Taga hilot ng pyesa
Hahamigin lahat ng nakapalibot sa mesa
Kabisado ko na ang lahat ng pa-sikot sikot ng
Naka-kahilong sistema
Kaya kung ako sayo
Wag ka na mag pa bebe pa
Bibigyan kita ng bagong cellphone na may camera
Para makapag selfie ka
Orig na mga damit, walang replika
Tapos dadalhin kita sa america
Ipapakolab kita kay fetty wap
International mala jose rizal
Talagang heavy-gat
Galawang demi-god
Kahit kailan hindi ka na mag pe-pedicab
Hatid sunod ka ng kotse sa hellipad
Kung ayaw mo parin pumayag, edi wag
Ang importante dapat happy ka
Papa-lakasin pa kita parang makina
Basta pirmahana mo lang to lahat
Bawat pahina, wag mong basahin ha

Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya..②

May pera ka daw na
Dumating nitong martes
Kaso lang sa
Sang daan ni
Taguro bibiyak pa
Ng trenta
Si ginoong Valdes
Wala na atang
Mas lulupit
Mang iipit sa gitna
Ng mga guhit, kudlit, gitling at tuldok, kuwit
Talagang halatang mang uumit
Puro hit pano pato maitutuwid
Naglagay ka sa plato ng puro hit
Kaso platito lang ang bumalik
Para makuha mag makaawa ka muna ng may matang nag tutubig
Para-iso para sa
Mga gara-pata ang ulo lang ay paa tsaka pata
Pagka-kita nila sakin na bata pa swak sa, kasa kahit nilagyan ng atsara
Kumapit sa kamay, gumapang hangang siko
Hindi mo makikita sa kapal ng balahibo
Ngunit amoy ko agad ang pangnginatis na motibo
Di porket asal askal hindi na matalino
Ako ay napasugod
Apat na sulok ng kwarto ang aking nasuyod
Huli ko sila, sa akto hubo’t hubad sa kumot
Nagpapaligsahan mga kuto at surot
Puro asungot ang nakakasalamuha
Eto ba ang nakukuha sa pag lalakad sa lupa
Pakiusap tirhan nyo ko ng dugo
Binigyan ko kapiraso
Tinangay pa yung buo
At kung na-kaisa ka man sa-akin
Ma-aaring nakachamba
Dinila-ng paa na lang baka nakakalimutan mo na
Mas mabilis ang karma

Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya..②

Kailangan na natin magising
Sa kanilang mga balak na maitim
Panay hassle na mga processing
Panay promise sa mga promising
Tsaka aanhin ko yang photoshoot
Sa magazine
Kung yung pera ko wala parin
Bakit tila di madinig ang mga daing
Di ko narin alam ang aking gagawin
Nakakapraning versuri.online
Mga magnanakaw ng palihim
Mga mandarambong na may marketing
Ang mga sakim tumitira habang walang nakatingin
Di ko napapansin na yung publishing
Naibenta na pala nila sa magic sing
Wala manlang kinita ni katiting
Kusino kusinera sya padin nakatikim

Ngayon bilang magulang
Halos lahat ng raket ay pinapatulan
Sumasakit lalamunan
Ngunit ang aking kinikita
Tila ba kulang
Tanghalian hapunan
Sardinas ang ulam
Sino nga bang di mabibilaukan
Sa di mabilang na utang
Nag tatanong sa kapalaran
Bakit pinag damutan
Gusto ko ng makalabas sa aking pinapasukan
Layasan ko kaya, tignan ko kung di matauhan
Dapat matagal ko na silang, pinakasuhan
Di manlang sinapatusan
Di manlang pinabaunan
Ang kapal ng mga muka
Di ko to sinangayunan
Isa sa pinaka unang pinangakuan
Kinalaunan
Daig pa ko ng binalatuhan
Pinag planuhan ng mga pasistang dayuhan
Oportonistang madupang sa kanilang bakuran lang pala
Mapupunta lahat ng aking pinag paguran Putangina…

➤ Written by Ron Henley & Loonie
Produced by Lester “Klumcee” Vano
Loonie | Ron Henley | 2019

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

five − 1 =